Wednesday, September 14, 2005

Multo sa Kuwarto

Matulog, mahimbing, managinip
Mamamatay ang iyong kapatid.
Mangangaliwa ang iyong ama.
Magpapakamatay ang iyong ina.

Gumising agad, sumigaw.
Lumuha at manahimik.
Narinig mo ba ang halakhak
Sa kaloob looban ng pader?

Tumingin sa bintana, huminga
Titigan ang akasya, titigan
Ayon, lumipad ang ibon.Huwag ka nang matulog.

No comments: