Wednesday, September 14, 2005

Di Nakita

Sa gabi, di mo nakitang
Nabuksan ang lagusan
Ng dalawang kunehong
Naiinip sa maliit na kulungan

Gustong makalabas
Makatakas kahit panandali
kapag mataas ang bakod
At matigas ang lupa

Pinalambot ng laway
Nagtulunganang magbungkal
Pumatong sa isa
Para matalon ang bakod

Di mo nakita ang pagbubungkal
Di mo nakita ang pagpapatong
Nakita mo lang nakalaya na sila
Patuloy na lumalaking, masaya.

No comments: