Friday, October 14, 2005

Saturday, October 08, 2005

Ang Karinderya (short short version)


Alas onse ng gabi. Nakalugmok si Mang Jose sa bangketa ng kanyang munting karinderya. Malalim ang iniisip."Paubos na ang supply sa ref. saan naman kaya ako ulit kukuha?", tanong niya sa sarili. Nagulantang siya nang may dumating na pulis. Pinagpawisan si Mang Jose.
"Sisig nga please, dine in." sabi ng pulis.

Napabuntong hininga. Inabutan niya ng pinggan at kutsara ang pulis. Hinainan ng isang platong sisig.

Bata pa si Mang Jose noong natutunan niyang magluto. Palagi niya noong pinapanood ang kanayang inay kapag nagsisimula nang maghanda sa kusina. Lubha niyang ikinatutwa kapag hinihiwa na ng ina asa dalwang piraso ang tainga ng baboy.

Binuksan ni mang jose ang radyo. Bumulalas ang malakas na boses ng announcer.: "Hanggang ngayon wala pang malinaw na pahayag ang mga pulistungkol sa layunin at kinaroroonan ng serial kiler." Nilipat ni Mang JOse sa FM: kasalukuyang pinapatugtog ang "Your time's gonna come" NI Led Zepellin.

Nagsimula na lamang siya magluto nooong namatay ang kanyang mga magulang. Nalunod sila sa ilog noong umagang magsasampu na si Mang Jose. Hanggang ngayon hindi pa natatagpuan ang kanilang mga banggkay. sa isip ng batang Jose, alam niyang pinagkakain na sila ng mga laman tubig.

Nagsalita ang pulis: "ang sarap ng luto mo pards... dito ulit ako sa susunod."

tahimik na pinanood ni Mang Jose ang matakaw na bisita. Magiisang linggo nang nakatambay ang mga pulis sa baryo. Hinihinala nilang dito nagtatago ang serial killer.

ang serial killer. siyang ang bagong kilabot ng probinsya. kinakatay niya ang mga biktima, dati mga babae lamang, pero ngayon mga bata na rin. kinukuha ang tainga, dila, at mga laman-loob, at tinatapon ang katawan sa ilog. hindi na makalabas labas ang mga tao dahil sa takot.

Kaya nga nagkakaporblema si Mang Jose. sikat ang kanyang karinderya noon pero kukunti na lamang ang nangahas na lumbas sa gabi at kumain doon. Idagdag pa ang paubos nang laman ng kanyang ref.

"Pahingi na rin ng tubig, " sabi ng pulis. biglang kumislap ang mga mata ni Mang Jose. "KUmuha ka nalang sa loob" sagot niya "doon sa dispenser." Tumayo ang pulis at pumasok sa loob dala ang maliit na baso.

Nakangiti na si Mang Jose. Sinundan ang pulis dala ang kutsilyo ng kanyang nanay.

Bagong Putahe. Nyahaha.